Guro, Teacher, Propesor – si Sir man o si Mam. Mga taong nagturo sa ating bumasa at sumulat sa elementarya. Mga gurong nagpakilala ng Algebra noong tayo as High School pa at mga propesor na sa ating mga kurso’y patuloy na nagbabandera.

Sila ang mga taong maaring ating nakasama noong tayo’y mga bata pa. Mga tao na maaring sa kasalukuya’y ating kasa kasama. Nasaan man sila sa lupalop nitong bansa, matutukoy mo sila at agad na makikilala.

Generally, dalawa lang ang category nila – Protagonist at Antagonist. At sa dalawang ito uusbong pa ang iba pang natatanging klasipikasyon nila Sir at nila Ma’am.

  • PROTAGONIST. Mga bida sa ating buhay sapagkat sila’y magaling, masayahin, laging on time, mataas magbigay ng grades at mabait. Sila din ang mga gurong maganda, gwapo at kakaiba ang sex appeal na laging kinakikiligan ng mga estudyante tuwing dadaan sa corridor. Kadalasan, sila din ang mga taong naabuso dahil sa kanilang sobrang kabaitan.
  • ANTAGONIST. Laging pyesta ‘pag absent sila, parang pasko ‘pag late sila. Mga taong kung maaari’y ayaw nating makita dahil parang mas mahirap ang buhay pag nand’yan sila. Sila ang laging topic sa usapan sa canteen, sa library, sa corridor at sa mga tambayan hindi dahil sa galing nila kung hindi dahil sa lupit at sama ng ugali nila.
  • SAGING LANG ANG MAY PUSO. Ang mga gurong kasintigas ng adobe ang mga puso. Sila ang mga taong hindi mo mapapakiusapan sa tuwing male-late ka sa pag submit ng mga projects at assignments. Sila ang taong tila hindi nakaranas ng social life noong kabataan nila sa tindi magbigay ng mga homework at projects.
  • SCORE BOARD. Laging nakahanda ang mga papel at ballpen natin sa mga gurong ito. Para tayong scorer sa basketball tuwing oras ng klase nila. Sila ang mga gurong may signature word o linya sa klase kagaya ng ‘ok so…’, ‘ahhh’, ‘ok class’, ‘by the way’, ‘that is correct’, ‘naintindihan?’ at kung ano ano pa.   Pagkatapos ng klase nila, hindi notes ang ipag  ko-compare ng mga estudyante kundi kung nakailan sila sa pagsabi ng mga signature lines nila.
  • LORD. Sila ang mga gurong hindi mo malaman kung gaano kadami ang bitterness sa katawan. Sila ang hindi makakapayag na mas magaling pa ang estudyante nila sa kanila. Mga taong tila galit sa mga scholars, varsities and mga estudyanteng may extra curricular activities. Kailangan mong laging patunayan sa kanila na magaling ka dahil kapag hindi, katakot takot na parinig ang dadanasin mo sa harap ng mga kapwa mo estudyante.
  • NO STAND. NO WRITE. Mga gurong kahit na minsa’y hindi natin nakitang tumayo o naglakad sa classroom kaya hindi mo malaman kung mabigat ba ang kanilang *tutut* o may diperensya sa kanilang mga paa. Trono na nila ang upuan at teachers table sa harapan ng classroom at makikita mo lang silang tumayo sa tuwing pagkatapos ng klase.  ‘Di mo rin sila makikitang magsulat sa board maliban sa pangalan nila tuwing maguumpisa ang semester. Sila ang mga gurong suki ng photocopying machine dahil laging iyon lang ang class materials na ginagamit nya.
  • BEST IN READING. Mga edukador na magaling magbasa sa klase. Sa isang oras na klase ay isang oras ka ding babasahan ng libro n’ya. And this is it! Dismissed na kayo. Pasok ka nalang ulit next time para marinig ang reading prowess nya.
  • TEACHER IN WRITING. Walang alam gawin kung hindi magpasulat sa estudyante. Magpagawa ng essay, summary ng kwento at magpasagot ng kung ano ano na hindi naman natin alam kung binibigyan ng grades. Kaya pagkatapos ng klase mo ay kasinlaki na ng pakwan ang kalyo mo. At sila din ang mga gurong nagiging pabigat sa budget mo dahil sa sobrang makaubos ng yellow pad at tinta ng ballpen mo.
  • STAND UP COMEDIANS. Mga gurong gustong gusto natin pasukan ang klase. Mistulang comedy bar ang klase nila sa sobrang galing magbitaw ng mga punchlines. Kadalasan, sila din ang mga gurong laging frustrated sa mga estudyante nila dahil mas natatandaan pa ng mga bata ang mga jokes nila kesa sa mga topics na itinuro niya.
  • BUSINESSMAN. Sila ‘yung laging may extra raket. Laging may dalang brochure ng damit, pabango, sapatos, panty at bra. Minsan nama’y nag aahent eng lupa, insurance, educational plan at iba pa. Kabilang din nila ang mga gurong laging kausap ang kanilang cellphone na ‘di naman natin alam kung ano ang tunay na agenda. Sila din ang magyayaya sayo na sumali sa iba’t ibang networking na business.
  • ATIVAN GANG. Hindi sila masasamang tao. Sila ang mga lullaby music teachers na laging nagpapatulog sa atin sa oras ng klase. Ang klase nila ang itinuturing na resting period ng mga working student dahil sa mga oras na ito sila nakakabawi tuwing kulang sila ng tulog dahil sa trabaho. Pero huwag kang pahuhuli pag iidlip ka, dahil baka pagdilat mo’y, eraser na ang bumulaga sa iyo.

Ano man ang itawag natin sa kanila, kahit ano pa rin ang mangyari, sila’y mga guro parin natin na kahit papaano’y nagdagdag ng kaalaman sa ating isipan. Sila’y mga guro paring sandigan ng ating kinabukasan at pag-unlad ng ating bayan. Iyon nga lang, hindi lahat ng guro ay dedicated sa propesyon na kanilang sinumpaan.

Huli man daw at magaling …… late pa din! Ako na marahil ang maituturing na “Hari ng mga Late” noong college years ko. (At hanggang ngayon naman, hindi parin nawawala sa dugo ko ang pagiging late!)

Working student ako that time kaya kapag late ako sa klase ang excuse ko ay “Late po kasi akong naka pag out sa work” at kapag late naman sa work ang sasabihin ko naman ay “May quiz po kasi kami kaya di po agad nakalabas ng klase”. Utakan lang yan. Lol. Syempre, mataas ata ang pagtingin ng mga professor sa mga working student kaya lagi ako nabibigyan ng special treatment.

Hindi naman sa lahat ng oras ay nagsisinungaling ako sa dahilan ng pagka late ko. Minsan talagang hindi lang maiiwasan ang mga biglaang pangyayari sa school o kaya sa trabaho kaya sa ayaw ko man o hindi, naapektuhan talaga ang oras ng aking pagpasok sa school man o sa trabaho.

Noong 4th year college ako, sa Malate ako nagtatrabaho at sa San Pedro naman ako nag-aaral. Aware naman sa sitwasyon ko ang aking mga professors ko at mga bossing ko sa opisina. Alam din nila marahil kung gaano kalayo ang Malate, Manila sa San Pedro,  Laguna. Alas singko ng hapon ang klase ko kaya kailangan alas 3 palang mag out na ko sa trabaho para hindi ako gahulin sa oras. Pero dahil sa traffic sa SLEX at sa Boundary ng San Pedro, hindi parin ako umaabot sa oras ng una kong klase. Kadalasan dismissed na sila pag dumadating ako kaya ng ending, ayaw ako pa-graduate-in ng prof ko. Dropped na daw ako sa klase nya. Syempre nag protesta ako at nakipag bargain. Awa ng Diyos, naawa naman si Sir Jayson Ching sa akin. (Thanks Sir! San ka man ngayon, may you rest in peace).

Noong nagtatrabaho naman ako sa Jollibee, lagi din ako nasesermonan dahil lagi din akong late nakakapasok ng work.  Pang alas singko kasi ng umaga ang pasok ko nun kaya kapag nahihimbing ng pagtulog lagot na. Kahit nga pag breaktime na-o-over break din ako lalo na kapag nagbabasa ako ng libro at hindi ko namamalayan ang oras.

Noong nagtrabaho din ako sa isang outsourcing company, lagi parin akong late. Alas onse naman ng gabi ang pasok ko dun. Wala kaming time card kaya madali lang lumusot pag late ka. ‘Wag ka lang magpakita sa taga check ng attendance, safe ka na. Kaya ang ginagawa ko dun para hindi ako makita, dahan dahan akong papasok sa pinto para hindi marinig na may pumasok at gagapang ako mula pinto papunta sa table ko. Kapag nahuli, malas pero kapag nakalusot walang kaltas sa sweldo.

Kahit saan nga siguro ako ilagay mapa umaga, hapon o gabi. Lagi paring late. Kahit sa lakad ng barkada kadalasan late parin sa tagpuan. Ang alas tres ng hapon nagiging ala sais.  Pero hindi ako nahihiya na late ako. Taas noo pa akong dadating nyan na parang walang nangyari. Tigas nga daw ng muka ko sabi nila. Totoo naman.

Ewan ko ba, wala kasi ata sa bokabularyo ko ang magmadali. Kahit late na ko nagising, kailangan ko parin gawin ang mga normal na ginagawa ko na parang walang delubyong naghihintay sa akin. Gigising ako, magkakape, manonood pa ng TV, uupo sa trono ng CR, maliligo na may kasama pang concert, magbibihis at magaayos ng buhok. Minsan nanay ko pa ang nagagalit dahil late na daw ako.

Pero ngayon, nagbago na ako. Hmmmmm…. oo nagbago na ko.  Sa maniwala man kayo o hindi. Na la-late parin, pero hindi na masyado. Minsan nalang. Peksman! Cross my heart! Mamatay man ako.  Sobrang inis nga ako sa mga taong late at sobrang mag pa intay sa mga lakad. (At hindi ikaw yun nhico).

Ang mga taong laging late, iisa lang naman lagi ang mga dialogue. Syempre alam na alam ko dahil naging gawain ko. Siguro familiar na kayo pero isa isahin natin ang laging linya natin pag tatanuningin sila kung anong petsa na at kung nasaan na sila:

  1. Naliligo na. Fuckshit! Kakagising lang nyan. At nakapikit pa yan habang nagtetext at matutulog pa ulit yan ng 5 minutes. Tapos 5 minutes ulit. Tapos 5 minutes ulit. Hanggang sa amagin ka na sa kakaintay sa kanya.
  2. Nag-aantay na ng taxi o kaya pasakay na ng jeep. Kakatapos palang n’yan maligo. At pabalik balik pa yan sa salamin dahil hindi malaman kung ano ang isusuot nya.
  3. Nape-prepare na. Naku asahan mo na tulala pa yan sa lamesa at nakikipagtitigan sa kape nya. Kaya kapag sinabihan ka nyang nag pe-prepare na sya, magprepare ka narin na tawagan mo sya at i-remind sa oras ng lakad nyo.
  4. Nandyan na ko in 5 minutes. Weh?! For sure 5 hours ka pang mag-iintay.
  5. Malapit na. Malapit ng humaba ang ilong nya dahil sa kasinungalingan nya. Kakalabas palang nya ng bahay. Malapit ka na din mapikon sa kanya sa kaiintay.
  6. Mauna ka na, sunod nalang ako.  May dadaanan lang ako. Huwag mo na syang asahan na pupunta. Pinag intay ka lang nya ng matagal. Bigyan mo nalng ng black eye kinabukasan pag nagkita kayo.
  7. On the way na. On the way na sa banyo. Maliligo palang sya.

May iba pa ba? Wala na ko maalala. Yan lang naman ang mga linyang lagi kong naririnig sa mga taong kakambal na ang pagka late.  Dadagdagan ko pa to pag may naisip pa ako o pag may bago akong na experience.

E bakit nga ba ang dami kong sinasabi? Isa lang naman ang gusto ko mangyari sa post na ito. Ang sabihing tapos ko na ang video na ginawa ko para sa Birthday ni Momsie. And yes, I must admit, late na nga. Pero ok lang yun, its the thought the counts, ika nga. Actually malamang sanay na din mga officemate ko sakin. Kasi yung regalo ko sa kanila ng Christmas, last week na ng January ko naibigay. Hahahaha.

Anyway ito na ang video ni momsie! Happy Birthday Momsie! Belated Happy Birthday!

It’s been five years now since I got my first credit card. It was from Banco de Oro – the one they called BDO 4Gives. I’ve always trying my luck to get one but to no avail. Due to lack of some necessary documents required by the bank, my application always ended up in the trash bin.

The reason why I am dying to get a credit card was to buy a laptop. I don’t have that cash to get a new one and the only way that I thought will work was to get it in an installment basis. My BDO 4Gives credit card doesn’t have the full features of the regular credit card. It doesn’t offer an installment scheme for payment. As the name goes, 4Gives, it only allowed me to pay my purchases in four staggered payments.  This was not what I wanted. I wanted a regular credit card. A credit card like Citibank, HSBC, Eastwest Bank etc.

Like others were saying, its difficult to get an approval for your first credit card.  From the documents needed to house and financial investigation, getting an approval from the bank was really a serious matter. Thanks to our beloved accountant  Carol for providing me the necessary documents and backing me up during the CI’s. And voila! my application was approved.

If it was difficult to get that first bank approval, the next ones were just a piece of cake.  Some will just be delivered on your doorstep even if you haven’t made an application for them. First it was Citibank, then came HSBC, then Eastwest Bank, then Bankard and then I stopped. If I have entertained all of them and accepted all those unsolicited mails, I should have all the bank’s credit card by now. But I stopped at four, five actually.

The Fun

Having a credit card is so much fun! You can eat wherever and whenever you want. You can buy clothes without worrying the tag price. You can have that gadget even you don’t have that much cash. You just have to make sure that you have enough credit limit to fund those purchases.

Mobile phones, laptops, desktops, ipod, LCD TV, refrigerator, washing machine, microwave ovens, electric fan, furniture, clothes, groceries, foods,  books, club memberships, airline tickets. These are the things that I bought through my credit card. Its as easy as 1-2-3. Just look around, decide what to buy, get your credit card, sign into the charge slip and get the item. Its always been like that. Having a credit card makes you feel richer. It makes you feel that you can buy whatever you want.

The Trouble

After a year of having the credit card, I must say I enjoyed. Allot! And this enjoyment brought me more than 100,000 pesos in debt. Swipe here, swipe there and didn’t notice that my debt was bigger than me.  It came to a point where all my salary were going directly to my credit card payment.

The feeling is uncontrollable. I really can’t resist the temptation every time I passed by to the item that I want. But little by little I am learning how to control. Being into that huge debt taught me how to handle my finances. And after a year, i was debt free. Its a congratulations for me. And until now, I am paying all my card’s bill in full. No interest, no finance charge and I am proud to say that I am in a good credit standing.

Why Use It?

Why use credit card? For me, its for practical reason and for the Freebies. Credit card companies always have promotional tie up with different stores just for using their card. Citibank offers free movie tickets for every Php 1,500 purchases. HSBC is giving free tall Starbucks drinks for every Php 2,000 pesos. Free Monterey and Breadtalk products are up for grabs when you make at least Php 1,000 purchases using your Eastwestbank and RCBC bankard credit card respectively.

For two years now, I’ve always watching my favorite movie on the big screen for free – that is courtesy of my citibank credit card. I also make pa-pogi to my friends and office mates by treating them in Starbucks – also for free. And aside from these perks, there still lot of exclusive benefits that I am enjoying through my credit card.

Many are afraid to use their card thinking that they might end up into big trouble once they use it. But its not. Take it from the expert. LOL. You just need to learn how to use it wisely. You will be charged the annual membership fee (ranging from 600 – 1,200 Php) and not using it?  Not a good idea.

Having a credit card is fun when using it right and will give you trouble if you abuse it’s power. Know your privileges, know all the perks, control yourself and you and your credit card will go places. LOL!

More than a week din akong hindi nakabalik dito sa blog ko. Sa dami ng aking ginagawa, hindi ko na magawang mag-update pa ng aking mga kwento. May tatlong post ako na nasa draft at hindi ko pa matapos tapos. Marahil hindi pa nagiging active ang pagiging writer sa katawan ko.

Madaming nangyari noong nagdaang linggo.  May mga nasawi sa trahedya, may mga naging engage, may mga naging ‘in a relationship‘, may mga ikinasal, may mga bininyagan, may mga nawala ang virginity at may mga nagdiwang ng mga espesyal na araw sa kanilang buhay.

Last weekend, isa ang aming Momsie na nag celebrate ng kanyang birthday.  Kaya’t lahat kami’y muling nagsama sama sa isang pagdiriwang sa Subic.  Lahat ay nag enjoy. Subalit ang pinaka enjoy sa lahat ay aming birthday girl, hindi lamang dahil sa kanyang kaarawan kundi dahil na rin sa pagdating ng kanyang matagal ng iniintay na papa – ang kanyang Papa Raul. :)

Aking uumpisahan ang linggong ito sa pamamagitan ng isang tulang aking ginawa para kay Momsie. Dahil mahilig manindak ang babaeng ito, ginawa kong “Patayin sa Sindak si Momsie” ang title.

=======================================================================

Patayin sa Sindak si Momsie!
isang tula ni Ka Doro

Sino nga ba itong si Momsie?
Aming bossing na seksing seksi
Iyong titigan na mabuti
Di ba’t parang Diana Zubiri?

Siya’y isang ulirang ina sa dalawang anak niya
Kinayang itaguyod mag-isa wala man ang ama nila
Mag-isang pinag-aral at buong ingat na inaruga
Dugo’t pawis pinuhunan, magandang bukas inihanda

Itong momsie naming pinakamamahal
Sa lahat ng bagay hindi napapagal
Sa trabahong kahit gaano katagal
Sya’y hindi mariringgan kahit anong angal

Maalalahaning kaibigan sa kahit na sinuman
Problema mo’y lulunasan kapag siya’y nilapitan
Siya rin ay maaasahan sa oras ng kagipitan
Kaya’t advice ko sa lahat siya ang dapat na utangan

Lahat kami’y natutuwa dahil ngayo’y masaya ka
Dahil iyo nang  kapiling si Raul mong sinisinta
Kaytagal mong hinintay mga yakap at halik nya
Sa mukha mo’y kitang kita na ihi lamang ang pahinga

Si Momsie kung anong bait s’ya rin naman super higpit
Bunganga nya’y walang patid sa oras na sya ay magalit
Kaya’t trabaho mo ay iayos siguraduhing hindi pangit
Dahil mala-armalayt na bibig sa katauhan mo’y hahagupit

Sa pagdiriwang ng ‘yong kaaarawan, tulang ito’y pagdamutan
Nawa’y iyong magustuhan kahit ito’y sinulat nang biglaan
Hiling namin sa Maykapal na ika’y patuloy na ambunan
Ng walang humbay na biyaya at magandang kalusugan

published August 2003, The Sphere

Employed, unemployed, underemployed. Whether we like it or not, any of these three is a sure place we are to land after college. And past this head aching studies, what we are to be with is JOB. But are we sure that there is employment waiting for us? Does it fit the degree we have finished?

It has been inculcated in the mind of each one of us that a college diploma will serve as ticket for a successful life. I almost believed in that. Not until I became a witness of those people who had been deprived of the future, that had been once promised by their diplomas.

The government is always telling the public about the job opportunities they had made thru the foreign investors. Yes, perhaps they had brought a lot of prospects but these do not correspond with what the Filipinos are expecting.

Early this year, an enormous number of medical doctors had been reported of taking nursing course to enable them to work overseas. This is quite alarming. Does this mean that there is no opportunity waiting for them here? According to them they couldn’t do nothing about it, they have families to support. ‘Kung saan malaki ang kita, doon kami’.

Some people would give up what they had learned and pursued in college, but some are willing to wait for their time to come. Warlito is one of them – a marine transportation graduate. ‘Hindi pa raw nagagawa ang barkong sasakyan niya’. And he’s on the line for almost five years now. At marami pa silang naghihintay na makasakay sa barkong tutupad sa kanilang pangarap.

And there’s Jazel, HRM graduate. She had been to other countries not as a hotel attendee but as a Quality Control inspector in a watch (clock) factory in the Middle East. As she said, ‘Sa kusin na lang ng bahay namin nagagamit ang natapos ko.’

Mike on the other had takes charge of requisition slips instead of class records. He works as a warehouse man in an electronic factory. Though he passed the licensure exam for teaching he’d rather work in the factory than to teach. Wala raw kasing magandang offer at mas mataas daw ang kanyang kinikita sa pabrikang iyon kung ikukumpara sa suswelduhin niya sa pagtuturo.

They are just examples of those who had no choice but to hang around for their perfect break to come. As the time goes by, their number continues to increase. That’s probably the reason why some people take education for granted or why parents would rather see their children working in factories than going to school. Sa hirap nga naman ng buhay ngayon kailangan nating maging wais. Most graduates now, got employed as operators and checkers at factories. Isn’t it unfair? Bakit may magagawa pa ba?

Just asking. Do we still need to study those mind blowing lessons if they wouldn’t be needed for the job we’ll be on the future? Will our bosses ask us to stand in tikas pahinga or walk in patakda? Or will our supervisor ask us on what took place in every story of Edgar Allan Poe? Are we going to ask for sodium chloride if we need salt or C12H22O11 if we want sugar? Or we just have to stop with on how to pronounce Antoinette de Saint Exupery’s name?

Before I wrote this piece, I’ve got few questions in mind that I thought through asking other’s views, would be answered. But they were not. As I go further, more and more questions arise. Is education just a tradition we have to observe? A fashion that we have to be in with? Or the answer to a triumphant life? And more importantly is there any future ahead of us or has it vanished through the years?

Perhaps by now, we still don’t have concrete answers for our queries. Maybe someday we’ll get the solutions we’re looking for. Hope it’ll be sooner than later. What matters most is that we do our best to achieve our goals. Let’s stop with that ‘Mahirap nang makipagsapalaran’ line. Education plays a vital role for us to reach our dreams and aspirations. Hindi nga lang natin nakikita sa ngayon. But as we go on with our lives, we will realize the importance of what we are striving for now.

Before you throw this paper, come to think of it. Kailangan pa bang i-memorize yan? The conclusion is for you to make.

Isang Maikling Kwento
Published July 2003, The Sphere

Humahangos siyang umalis sa tambakan ng basurang pinag-iwanan nya sa itim na kahon. Pakiramdam nya’y maraming mata ang nakasunod sa kanya.

Dali dali s’yang umakyat sa kanyang kwarto. Pagkasara ng pinto’y unti unting sumalampak ang kanyang basang basang katawan sa sahig. Gusto niyang sumigaw. Subalit ayaw lumabas ng tinig na gustong isabog ng kanyang dibdib.

Unti unti siyang nawawalan ng lakas. Nanlalambot ang kanyang buong katawan. Tama ba ang kanyang naging desisyon?

“Mga hayop sila!”, ang pilit na isinisigaw ng kanyang isipan. Paulit ulit. Hindi tumitigil. Sa pagtakip ng mga luha sa kanyang mga mata ay patuloy naman niyang nakikita ang isang bangungot na kung maaari’y ayaw na niyang sa isip ay makita pa.

“Mga hayop sila!”, pilit na isinigaw ng basag niyang boses. Paulit-ulit. Paulit-ulit.

Sikat na ang araw nang magising si Aling Marta dahil sa pagkakagulo sa labas.

“May buhay na raw ang bata”, narinig niyang sinasabi ng matandang nagdaan sa kanyang kinatatayuan.

“Nakakaawa naman”, sagot naman ng kausap

“Ano ho bang nangyari? Bakit ho kayo nagkakagulo?”, naguguluhan niyang tanong sa dalawang matandang babaeng narinig niyang kausap.

“May itinapon daw na bata doon sa tambakan!”

“Nakakaawa nga, napakawalang kwentang ina naman ng gumawa non!”

Nagkukumpulan ang mga tao sa tambakan ng basura.  Lahat ay nakikiusyoso at nagbubulungan na parang mga bubuyog sa lansangan. Sa kakapalan ng tao ay nakita niya si Mang Igme. Siya daw ang nakakita sa nakakaawang bata. Ngunit sa kakpalan ng mga taong iyon ay napako ang kanyang paningin sa itim na kahong nasa tabi ni Mang Igme.

Patakbo siyang lumapit sa kahon. Ngunit bago pa siya makarating ay hinawi agad siya ng putikang bisig ng matandang lalaki, ang mga bisig ni Mang Igme.

“Aling Marta, igalang naman ho natin ang bata. Baka ho makunsensya pa ang ina nito at balikan pa siya dito. “, salubong ng matanda sa kanya.

“Bakit ano bang nangyari?”, tanong ni Aling Marta na may halong pagtataka.

“Kanina ho kasing namamasura ako dito ay nakita ko ang kahong ito. Akala ko ay kun ano. Binuksan ko ho dahil baka may pagkakaperahan ako. Pero nang buksan ko ang kahon ay nakita ko ang bangkay ng batang ito, ipinalaglag ng kayang ina.”

“Nakalagay d’yan sa itim na kahong iyan?”, may pangangatal sa tinig ni Aling Marta.

“Oho! Akala ko nga’y may… “, hindi pa nagagawang tapusin ni Mang Igme ang kanyang sinasabi ay dali dali nang umalis ang kausap.

Hindi malaman ni Aling Marta kung anong kaba ang kanyang nararamdaman. Wari niya’y lumilipad siya sa kanyang paglalakad pabalik sa kanilang bahay.

“Diyos ko huwag naman po sana!”, ang kanyang inaanas habang nagmamadaling pabalik ng bahay.

“Sana’y mali ang kutob ko!”

Naalala niya ang sinasabi sa kanya ng kanyang anak noong isang araw. Naaalala niya ang pagtatalo nila ng anak tungkol sa kasalukuyang kalagayan nito.

“Hindi sana sumuko ang anak ko! Huwag naman sana o Diyos ko!”

Nagmamadali niyang binuksan ang kwarto ng anak. Nakahiga ito sa sahig. Basang basa ang katawan na nagpapahiwatig na nabasa ito sa ulan kagabi pag-uwi nito sa bhay na hindi na niya namalayan. Namumutla niya itong nilapitan. Gusto niya itong gisingin, subalit natatakot siyang malaman ang katotohanan. Paano kung totoo ang kanyang hinala? Paano? Paano?

“Marissa!”, nangangatal niyang nasambit sabay tapik sa mainit na katawan ng anak.

“Ano bang nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?

Hindi kumikibo ang anak. Hindi gumagalaw. Subalit ang pintig nag puso’y mabilis na tumatakbo. At unti-unti’y pinakakawalan ang isang hikbi. Mahina. Lumalakas. Lumalakas ng lumalakas

“Nay”, basag ang tinig nito.

Sa narinig ay parang gustong gumuho ni Aling Marta. Marahil nga’y tama ang kanyang hinala. Marahil nga’y sumuko na ang kanyang anak sa pagpasan ng isang problemang mabigat na dinadala.

“Nay! Di ko na kasi kaya e!”, humahagulgol na si Marissa.

“Nay hindi ko po kayo pinakinggan! Di ko na talaga kaya!” , sabay yakap sa inang sa mga oras na iyon ay parang binagsakan ng langit at lupa.

Hindi kumikibo si Aling Marta. Hindi niya malaman kung ano ang kanyang sasabihin.

“Bakit mo ginawa yon!”, matigas ang tinig ng kanyang ina. Tinig na bumasag sa katahimikan ng silid. Isang tinig na parang pagsabog ng isang bulkang matagal na nananahimik.

“Anak kasalanan iyon sa Diyos! Hindi ka ba natatakot sa ginawa mo?”

“Nay anong gusto n’yong gawin ko? Buhayin ang batang buong buhay kong kasusuklaman?”, matigas na rin ang kayang tinig. Tinig an puno ng galit at hinanakit sa mundong bumaboy sa kanyang pagkatao.

“Yun ba ang gusto n’yong gawin ko inay? Ang buhayin ang batang anak ng mga demonyo’t kriminal?”, dugtong niya.

“Anak!”, pasigaw na nasambit ng ina. “Wala kang karapatang bawian ng buhay ang anak mo dahil hindi mo alam kun ano ang tunay mong pagkatao….”, dugtong nito habang ang kanyang mga luha’y patuloy ang pagdaloy sa kanyang mga tila nanlilisik na mga mata.

“Anong ibig n’yong sabihin?”, ang tanong na lumabas sa mga labi ni Marissa. Tanong na may tangay tangay na katahimikang isinabog sa silid na iyon.

At ang katahimikang iyo’y tila isang malakas na hanging nagdadala kay Aling Marta sa kanyang nakaraan. Ang nakaraang minsang pumatay sa kanyang pagkatao at mga pangarap. Ang nakaraang ayaw na sana niyang mulit maalala subalit ngayo’y pilit na nagbabalik sa kanyang mga gunita.

Naging malupit ang takbo ng kapalara para kay Aling Marta. Ulila na siyang lubos nang una siyang tumapak sa magulong mundo ng Maynila.

Malaka ang ulan ng gabing iyon. Ngunis sa kabila ng masamang panahong iyo’y patuloy parin si Aling Marta sa pagsisilbi sa kanyang amo. Isa siyang katulong, ito ang kanyang trabaho nang pasukin niya ang magulong mundo sa lungsod, katulong ng isang mayamang mag-asawa.

Bangag na sa espirito ng alak ang mga pinagsisilbihan niya ng gabing iyon. Nagkakasayahan kasi ang kanyang among lalaki at ang mga kaibigan nito kaya’t nagkaroon ng inumang kaninang hapon pa nagsimula. Ang amo naman niyang babae ay hindi uuwi ng bahay dahil dumalaw ito sa isang kamag-anak sa malayong probinsya.

Kakaiba na ang halakhakan at pagkakatingin ng mga taong kasakasama niya. Mga halakhakang sinasabayan ng matatalim na hagupit ng kidlat sa madilim na kalangitan sa labas.

Mas lalo pang lumakan ang ulan sa labas. Parang isang pangitaing nagtatadhan na ng isang malagim na pangyayaring babago sa buhay ni Aling Marta.

Kasabay ng malakas an pagbuhos ng ulan sa labas at sa matatalim na paghataw ng kidlat ay ang malakas ng sigaw ni Aling Marta sa loob ng bahay na iyon. Mga sigaw ng pagtutol at pagmamakaawa. Pagtutol sa kahayupang ginagawa sa kanya ng kanyang amo at mga kaibigan nito. Patuloy siya sa pagpupumiglas. Patuloy sa paglaban. Subalit wala siyang magawa sa mga demonyong nananamantala sa kaniya ngayon.

Dinig na dinig parin ni Aling Marta ang mga halakhakan ng mga taong bumaboy sa kanya. Kahit na mahabang panahonna ang lumipas buhat ng maganap ang insidenteng iyo’y tila sariwa pa sa kanya ang mga pangyayaring iyon. Ang mga pangyayaring minsang bumaboy sa kanyang pagkatao. Minsan. Subalit ang minsang iyo’y hindi lang minsan nagnakaw ng kanyang mga pangarap.

Lumayas si Aling Marta sa bahay na iyon matapos ang nangyari at siya’y napadpad sa mundo ng tambakan ng basurang kanya ngayong kasa kasama. At sa lugar an ito’y unti-unting nabubuo at nagkakabuhay ang bunga ng kahayupang nanyari sa kanya. Ang bungang minsan din niyang napag-isipang alisan ng karapatang mabuhay.

Hindi makapaniwala si Marissa sa mga narinig. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin sa ina. Matagal na silang magkasam ng kanyang ina subalit ngayon lamang niya nalamang may madilim pala itong nakaraan. Napayakap siya sa ina na pumutol sa pagkukwento nito.

“Tinangka kong ilaglag ang bata”, muli na naman pagsisimula ng nangangatal na boses ni Aling Marta. “Pero hindi kaya ng aking kunsensya dahil alam kong isa itong malaking kasalanan sa Diyos”. pagpapatuloy nito.

Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Marissa sa ina. Mahigpit na mahigpit na halos hindi na ito makahinga.

“At alam mo ba kung sino ang batang iyon Marissa?”, makahulugang pagtatanong ng ina. Ang tanong na tila nagpatigil sa tibok ng puso ni Marissa. Natigilan siya at kumalas sa pagkakayakap sa ina. Makahulugang nakatitig kay Aling Marta. Hindi kumukurap. Siya kaya ang batang iyon?  Tanong niya sa sarili. Kinakabahan siya. Natatakot. Natatakot sa maaring sunod na sabihin ng ina. Paano kung siya nga ang batang tinutukoy ng kanyan ina?

“Ikaw iyon Marissa! Ikaw ang batang iyon!”, ang bigla niyang narinig sa mga nanginginig na mga labi ng ina. Maga salitang tila batong ipinukol sa kanyang mukha. Napakasakit. Siya nga ang batang iyon. Pareho lang sila ng batang kanyang ipinalaglag. Pareho lang silang anak ng demonyo.

Gusto niyang sumigaw subalit walang tinig na lumalabas sa kanyang dibdib. Gusto niyang humiyaw. Gusto niyang humagulgol. At bigla’y napasakap sa ina. At unti unting lumabas ang mga hikbing kanina pa gustong ilabas ng kanyang dibdib. Mga hikbi, hagulgol, mga luha ng pagsisisi. Pagsisisi sa mabigat na kasalanang kanyang nagawa. Napayakap din si Aling Marta. Mahigpit. At ang mga silid na iyo’y napuno ng mga luha ng pagsisisi.

Kasabay ng malakas na ulan sa labas ay ang mabibilis na mga yabag ng mga paa na mag-ina patungo sa direksyon ng tambakan ng basura. At sa bawat yabag ng mga paang iyon ay kasabay sa pagkilos ang mga putikang brasong may hawak hawak na palang katu-katulong ng basang mga lupang tumatabos sa itim na kahon.

W A K A S

Oist! Blogger na Ba Ako?

Posted: January 13, 2011 in Uncategorized

Matagal ko ng gustong gumawa ng Blog! Matagal ko ng gustong mag Blog. Pero nang dahil sa sobrang dami ng ginagawa ko, hindi ko na magawang maisingit ang trabahong ito. Pero ngayong 2011, madami akong gustong baguhin sa buhay ko at isa na d’yan ang pagtutuloy ng aking pagsusulat.

Ako nga pala si Ka Doro, ito ang aking mga kwento, ito ang aking BLOG!

It is so ironic. I’ve been working for 5 years now and spending most of my time in front of my laptop, pero kahit isang blog post wala akong nagawa. I used to write in our grade school and college’s school paper. Observing ordinary people’s lives has always been my passion. TSISMOSO? No, I’m not! I just love observing people – how they act, speak, and deal into different circumstances. This is my way to understand life and most of the time my inspiration to make my life better.

Im not a loud person. For sure madaming mag rereact. Ok sige na maingay akong tao. Lagi akong kasama sa listahan ng mga noisy nung grade school. Hindi lang isa, times 2 pa, times 3, time 4. What I meant with being loud is that i hate arguments. Ayoko ng paulit ulit. I always respect other’s opinion. Opinion n’ya ‘yun e. Tama man o mali, wala akong karapatang pakialaman kung ano ang paniniwala nya. And in the same way, ayokong pinapakilaman din ng iba kung ano ang opinyon ko. Kaya nga hindi ako nag abogado e, ayoko ng nakikipagtalo. But I always have my opinion, hindi ko nga lang gawaing makisawsaw if you’re not asking me to.

This is what I love in writing. I can write everything under the sun. I can say whatever I want. Naaalala ko pa nung grade school pa ko, yung desk ko ang laging sulatan ko. Isusulat ko lahat ng nararamdaman ko pag galit ako sa classmate ko, pag kinikilig ako dahil nakita ko ang crush ko o kaya pag badtrip ako sa teacher ko. Makikita sa desk ko ang mga patong patong na kulay ng mga tinta kasama ng mga patong patong na mga damdaming aking naramdaman. Kaya naman pagkatapos ng school year, ako ang pinakahirap mag is-is ng desk ko dahil hindi pipirmahan ang clearance form ko pag di ko nalinis at nabarnisan and desk ko.

I never thought that from writing to that desk, I became a writer for our school organ. And after 5 years, eto ulit ako nasa harap ng aking laptop at muling tumitipa ng mga damdaming nais ilabas ng aking dibdib. Mga bagay na marahil walang halaga sa iba but I don’t care less. Blog ko to. Kwento ko to. I-close mo ang browser mo kung ayaw mo. Basahin mo kung gusto mo. Pero pwede ba muna magtanong? BLOGGER NA BA AKO?